Sa mall..
FAB: Ano ba?! May t-shirt si Superman, Batman, Flash, Green Lantern… walang Wonder Woman?!!
Munding: Dapat madami ang merchandising ni Wonder Woman…
FAB: Oo, puro na lang lalaking super…
Munding: … para mahikayat nila ang mga bading bumili!
Sa bahay…
FAB: Teka, andami atang lesbiana sa DC ― Si Rene sa 52, si Holly best friend ni Catwoman, si Batgirl daw, at yung sa Secret Six – Scandal and her girlfriend. Wala atang bading?!?
Thor: Meron. Si Monsieur Mallah at si Brain.
FAB: HINDI SILA TAO! HINDE!
Thor: Lalaki silang pareho.
FAB: Pero…. Arg!
Sa office…
ND (bagets, five years old): Paglaki ko gusto kong maging superhero. Yung mabait. Yung tumutulong sa mga tao.
Nora (ina): Sige anak, pero ang superhero dapat bata pa lang mabait na. Dapat sumusunod sa nanay.
Sa Starbucks:
Levi: Hindi maintindihan ng fiancé ko na hindi ko dapat ma-miss ang isang episode Justice League Unlimited sa Cartoon Network. Nakakainis. Pinagbibigyan ko naman pag gustong manuod ng tagalong na sine kahit torture sa kin yun.
FAB: Bahala ka, you have to live with that for the rest of your life.
Sa car…
Allan, Redg, Munding, FAB: (Singing) ---- Ang pangalan nya’y… ZsaZsa, ZsaZsa Zathurnah. ZsaZsa Zathurnah!!! ---